19
1 Kapag hiniwalay ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansa, iyong mga lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, at kapag kayo ay dumating kasunod nila at nanirahan sa kanilang mga lungsod at mga bahay,
2 dapat kayong pumili ng tatlong lungsod para sa inyong sarili sa gitna ng inyong lupain na ibibigay ni Yahweh sa inyo para angkinin.
3 Dapat kayong gumawa ng isang daanan at hatiin ang mga hangganan ng inyong lupain sa tatlong bahagi, ang lupain na gagawin ni Yahweh na inyong Diyos na inyong manahin, para ang bawat isang nakapatay ng ibang tao ay maaaring tumakas doon.
4 Ito ang batas para sa isang nakapatay ng kapwa at siyang tumakas doon para mabuhay: sinumang nakapatay ng kaniyang kapitbahay ng hindi sinasadya, na hindi niya dating kinamuhian—
5 gaya nang isang taong pumunta sa kagubatan kasama ang kaniyang kapitbahay para pumutol ng kahoy, at ipapalo ang kaniyang kamay gamit ang palakol para pumutol ng isang puno, at nadulas ang ulo mula sa hawakan at tinamaan ang kaniyang kapitbahay kung kaya't namatay siya— kaya dapat na tumakas ang taong iyon sa isa sa mga lungsod na iyon at mabuhay.
6 Kung hindi maaaring habulin ng tagapaghiganti sa dugo kung sino ang kumitil sa buhay, at sa matinding galit maabutan siya dahil isang mahabang paglalakbay ito. At hinampas niya siya at pinatay, kahit na hindi karapat-dapat na mamatay ang taong iyon; at kaya't hindi siya karapat-dapat sa parusang kamatayan dahil hindi niya kinamuhian ang kaniyang kapit-bahay bago pa ito nangyari.
7 Kaya inuutos ko sa inyo na pumili ng tatlong lungosod para sa inyong sarili.
8 Kapag pinalawak ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga hangganan, gaya ng kaniyang ipinangakong gagawin sa inyong mga ninuno, at ibibigay sa inyo ang lahat ng lupain na ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno;
9 kung pananatilihin ninyo ang lahat ng mga utos na ito para gawin ang mga ito, na inuutos ko sa inyo ngayon—mga utos na ibigin si Yahweh na inyong Diyos at lumakad palagi sa kaniyang mga kaparaanan, sa gayon dapat kayong magdagdag ng tatlo pang lungsod para sa inyong sarili, bukod sa tatlong ito.
10 Gawin ito para hindi dumanak ang walang salang dugo sa gitna ng lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo bilang isang pamana, para walang dugo ng pagkakasala ang mapunta sa inyo.
11 Pero kung sinuman ang nagagalit sa kaniyang kapit-bahay, inabangan siya, mangibabaw laban sa kaniya, at malubha siyang sinugatan kung kaya't namatay siya, at kung tatakas siya papunta sa isa sa mga lungsod na iyon—
12 dapat magpadala ang mga nakatatanda ng kaniyang lungsod at dalhin siya pabalik mula roon, at ibigay siya sa kamay ng mapagkakatiwalaang kamag-anak, para mamatay siya.
13 Hindi dapat maawa ang inyong mata sa kaniya; sa halip, dapat ninyong pawiin ang dugo ng pagkakasala mula sa Israel, sa ikakabuti ninyo.
14 Hindi dapat ninyo alisin ang mga palatandaan sa lupa ng inyong kapitbahay na inilagay nila sa lugar ng mahabang panahon na ang nakalipas, sa inyong pamana na inyong mamanahin, sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos para angkinin.
15 Hindi dapat mangibabaw laban sa isang tao ang isang tanging saksi para sa anumang kasalan, sa anumang bagay siya nagkasala; sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi, dapat mapatunayan ang anumang bagay.
16 Ipagpalagay na nangibabaw ang hindi matuwid na saksi laban sa sinumang tao para magpatotoo laban sa kaniyang maling gawain.
17 Pagkatapos silang dalawa, kung sino sa pagitan nila ang may umiiral na pagtatalo, ay dapat tumayo sa harapan ni Yahweh, sa harapan ng mga pari at ng mga hukom na naglilingkod sa mga araw na iyon.
18 Dapat na gumawa ang mga hukom ng masigasig na pagtatanong; tingnan, kung ang saksi ay isang bulaang saksi at nagpahayag ng hindi totoo laban sa kaniyang kapatid,
19 kung gayon dapat ninyong gawin sa kaniya, ang nais niyang gawin sa kaniyang kapatid; at maaalis ninyo ang kasamaan mula sa inyo.
20 Pagkatapos silang mga naiwan ay makakarinig at matatakot, at mula sa panahong iyon hindi na gagawa pa ng anumang kasamaan sa gitna ninyo.
21 Hindi dapat maawa ang inyong mga mata; buhay ang ibabayad para sa buhay, mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa.