9
1 Pagkatapos ang lahat ng haring nanirahan sa kabila ng Jordan sa maburol na lupain, at sa mga mababang lupain ng baybayin ng Malawak na Dagat patungong Lebanon—ang mga Heteo, Amoreo, Cananaeo, Perizeo, Hivita, at ang mga Jebuseo—
2 nagsama-sama ang mga ito sa ilalim ng isang pamumuno, para magkipagdigma laban kay Josue at Israel.
3 Nang nabalitaan ng mga naninirahan sa Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai,
4 gumawa sila ng isang tusong plano. Tinustusan nila ang kanilang sarili ng mga pagkain at kumuha ng mga lumang sako at nilagay nila ang kanilang mga asno. Kumuha rin sila ng mga lumang sisidlang balat ng alak, gutay-gutay, at inayos.
5 Inilagay nila ang luma at sira-sirang mga sandalyas sa kanilang mga paa, at nagsuot ng luma, sira-sirang kasuotan. Lahat ng kanilang pagkaing panustos ay tuyo at inaamag.
6 Pagkatapos pumunta sila kay Josue sa kampo sa Gilgal at sinabi sa kaniya at sa mga kalalakihan ng Israel, “Naglakbay kami mula sa isang napakalayong bansa, kaya ngayon gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin.”
7 Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel sa mga Hivita, “Marahil kayo ay naninirahan sa malapit sa amin. Paano kami gagawa ng isang kasunduan sa inyo?”
8 Sinabi nila kay Josue, Kami ay inyong mga lingkod.” Sinabi ni Josue sa kanila, “Sino kayo? Saan kayo nagmula?”
9 Sinabi nila sa kaniya, “Naparito ang inyong mga lingkod mula sa isang napakalayong lupain, dahil sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos. Narinig namin ang isang ulat tungkol sa kaniya at tungkol sa lahat ng bagay na ginawa niya sa Ehipto—
10 at lahat ng bagay na ginawa niya sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—kay Sihon hari ng Hesbon, at kay Og hari na Bashan na naroon sa Astarot.
11 Sinabi sa amin ng aming nakatatanda at lahat ng naninirahan sa aming bansa, 'Magdala kayo ng mga pagkain sa inyong mga kamay para sa paglalakbay. Lumakad kayo at salubungin sila at sabihin sa kanila, “Kami ay inyong mga lingkod. Gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin.”
12 Ito ang aming tinapay, mainit pa ito nang kinuha namin sa aming mga bahay sa araw na aming itinakdang pumunta rito sa inyo. Pero ngayon, tingnan ninyo, tuyo na ito at inaamag.
13 Itong mga sisidlang balat ay bago nang napuno ang mga ito, at tumingin ka, nasira na ang mga ito. Ang aming mga kasuotan at aming mga sandalyas ay naluma sa isang napakahabang paglalakbay.”'
14 Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay.
15 Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.
16 Pagkalipas ng tatlong araw matapos gawin ng mga Israelita ang kasunduang ito sa kanila, nalaman nilang sila ay kanilang kapitbahay at nanirahan sila sa malapit.
17 Pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel at pumunta sa kanilang mga lungsod ng ikatlong araw. Ang kanilang mga lungsod ay Gabaon, Caphira, Beerot, at Kiriat Jearim.
18 Hindi sila sinalakay ang bayan ng Israel dahil gumawa ang kanilang mga pinuno ng isang panata tungkol sa kanila sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Nagmamaktol ang buong mga Israelita laban sa kanilang mga pinuno.
19 Pero sinabi ng lahat ng mga pinuno sa buong bayan, “Gumawa kami ng isang panata sa kanila tungkol sa kanila sa pamamagitan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ngayon hindi namin sila maaaring saktan.
20 Ito ang gagawin natin sa kanila: Para maiwasan ang anumang galit na maaaring dumating sa atin dahil sa panatang isinumpa namin na sa kanila, hahayaan natin silang mabuhay.”
21 Sinabi ng mga pinuno sa kanilang bayan, “Hayaan silang mabuhay.” Kaya, naging mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig ang mga Gabaonita para sa lahat ng mga Israelita, tulad ng sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.
22 Ipinatawag sila ni Josue at sinabi, “Bakit nilinlang ninyo kami nang inyong sinabi, 'Napakalayo namin mula sa inyo', samantalang naninirahan kayo rito mismo kasama namin?
23 Ngayon, dahil dito, isinumpa kayo at ilan sa inyo ay palaging magiging mga alipin, iyong mga pumuputol ng kahoy at sumasalok ng tubig para sa bahay ng aking Diyos.”
24 Sumagot sila kay Josue at sinabi, “Dahil sinabi ito sa inyong mga lingkod na inutusan ni Yahweh na inyong Diyos ang kaniyang lingkod na si Moises na ibigay sa inyo ang buong lupain, at wasakin ang lahat ng naninirahan sa lupain sa iyong harapan—kaya labis kaming natakot para sa aming mga buhay dahil sa inyo. Kaya iyan ang dahilan kung bakit ginawa namin ang bagay na ito.
25 Ngayon, tumingin ka, hawak mo kami sa iyong kapangyarihan. Anuman ang palagay ninyong mabuti at tama para gawin ninyo sa amin, gawin ito.”
26 Kaya ginawa ito ni Josue para sa kanila: tinanggal niya sila sa pamamahala ng bayan ng Israel, at hindi nila pinatay ng mga Israelita.
27 Sa araw na iyon ginawa ni Josue ang mga Gabaonita na mga pamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig para sa komunidad, at para sa altar ni Yahweh, hanggang sa araw na ito, sa lugar na pinili ni Yahweh.