22
1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
2 “Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, pagsabihan silang lumayo mula sa mga bagay na banal ng mga tao ng Israel, na inihahandog nila sa akin. Hindi nila dapat lapastanganin ang aking banal na pangalan. Ako si Yahweh.
3 Sabihin sa kanila, 'Sinuman sa inyong mga kaapu-apuhan sa buong angkan ng inyong mga tao na marumi kapag lumapit siya sa mga banal na bagay na inihandog ng mga tao ng Israel kay Yahweh, dapat ihiwalay ang taong iyon mula sa harap ko. Ako si Yahweh.
4 Wala sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na may nakakahawang sakit sa balat, o isang impeksiyong dumadaloy mula sa kaniyang katawan, ang maaaring kumain ng alinman sa mga alay na ginawa para kay Yahweh hanggang siya ay malinis. Sinuman ang hahawak sa anumang bagay na marumi sa pamamagitan ng paghawak sa patay, o sa pamamagitan ng paghawak sa isang lalaking may daloy ng semilya,
5 o sinumang hahawak ng anumang hayop na gumagapang na nagpaparumi sa kaniya, o sinumang tao na nagpaparumi sa kanya, maging anumang uri ng karumihang ito—
6 pagkatapos ang pari na hahawak sa anumang marumi ay magiging marumi hanggang gabi. Hindi siya dapat kumain ng anumang mga banal na bagay, maliban lang kung pinaliguan niya ang kanyang katawan sa tubig.
7 Kapag lumubog na ang araw, magiging malinis siya. Maaari siyang kumain mula sa banal na mga bagay pagkatapos ng paglubog ng araw, dahil ang mga ito ay kaniyang pagkain.
8 Hindi siya dapat kumain ng anumang bagay na natagpuang patay o pinatay ng mga mababangis na hayop, kung saan madudungisan niya ang kanyang sarili. Ako si Yahweh.
9 Dapat sumunod ang mga pari sa mga tagubilin ko, o magkakasala sila at maaaring mamatay dahil sa paglapastangan sa akin. Ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili.
10 Walang sinumang hindi kapamilya ng pari, maging ang mga bisita ng isang pari o kaniyang mga inupahang tagapaglingkod ang maaaring kumain ng anumang bagay na banal.
11 Ngunit kung bumili ang isang pari ng alipin sa kaniyang sariling pera, maaaring kumain ang aliping iyan mula sa mga bagay na inihiwalay para kay Yahweh. At ang mga miyembro sa pamilya ng pari at mga aliping ipinanganak sa kaniyang bahay, maaari din silang kumain kasama niya mula sa mga bagay na iyon.
12 Kung ikinasal sa isang hindi pari ang anak na babae ng isang pari, hindi siya maaaring kumain ng anumang banal na ambag na mga handog.
13 Ngunit kung isang balo ang anak na babae ng pari, o hiwalay, at kung wala siyang anak, at kung babalik siya upang manirahan sa bahay ng kanyang ama gaya noong kanyang kabataan, maaari siyang kumain mula sa pagkain ng kanyang ama. Ngunit walang sinumang hindi pamilya ng pari ang maaaring kumain mula sa pagkain ng pari.
14 Kung kumain ang isang tao ng isang banal na pagkain na hindi ito nalalaman, dapat niyang bayaran ang pari para rito; dapat niyang dagdagan ng ikalimang bahagi ito at ibalik ito sa pari.
15 Hindi dapat bastusin ng mga tao ng Israel ang mga bagay na banal na itinaas at inihandog kay Yahweh,
16 at idudulot ang kanilang sarili upang dalhin ang kasalanang gagawin silang may sala sa pagkain ng banal na pagkain, dahil ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili.”'
17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
18 “Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng mga tao ng Israel. Sabihin sa kanila, 'Sinumang Israelita, o isang banyaga na naninirahan sa Israel, kapag maghahandog sila ng isang alay— kahit na ito ay para tuparin ang isang panata o kahit na ito ay isang kusang handog, o maghahandog sila kay Yahweh ng isang handog na susunugin,
19 kung ito ay tatanggapin, dapat silang maghandog ng isang lalaking hayop na walang kapintasan mula sa baka, tupa, o mga kambing.
20 Pero hindi ninyo dapat ialay ang anumang may kapintasan. Hindi ko ito tatanggapin sa ngalan ninyo.
21 Sinumang maghandog ng alay para sa pagtitipon-tipon ng handog mula sa maraming tao o sa kawan ni Yahweh para tuparin ang isang panata, o bilang isang kusang handog, dapat wala itong kapintasan para tanggapin. Dapat walang depekto ang hayop.
22 Hindi kayo dapat maghandog ng mga hayop na bulag, baldado, o lumpo, o mayroong mga kulugo, mga sugat, o mga galis. Hindi ninyo dapat ihandog ang mga ito kay Yahweh bilang alay sa pamamagitan ng apoy sa altar.
23 Maaari ninyong ihandog bilang kusang handog ang isang lalaking baka o kordero na sira ang anyo o maliit, ngunit ang isang handog na katulad niyan ay hindi tatanggapin para sa isang panata.
24 Huwag maghandog kay Yahweh ng mga hayop na may bugbog, durog, sira o hiwa sa mga pampaanak na bahagi. Huwag ihandog ang mga ito sa inyong lupain,
25 at huwag tanggapin ang mga ito mula sa kamay ng isang dayuhan bilang pagkaing inihandog sa Diyos, dahil may mga depekto o kapintasan sa mga ito. Hindi ko tatanggapin ang mga ito sa ngalan ninyo.
26 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at sinabi,
27 “Kapag ipinanganak ang isang guya o isang tupa o isang kambing, dapat itong manatili sa kaniyang ina ng pitong araw. Pagkatapos mula sa walong araw, maaaring tanggapin ito bilang isang alay para sa isang handog na gawa sa apoy kay Yahweh.
28 Huwag pumatay ng isang baka o tupang babae kasama ang kaniyang anak, sa ganitong araw.
29 Kapag mag-aalay kayo ng isang handog ng pasasalamat kay Yahweh, dapat kayong mag-alay nito sa isang katanggap-tanggap na paraan.
30 Dapat itong kainin sa ganitong araw na inihandog ito. Hindi kayo dapat magtira nito hanggang sa susunod na umaga. Ako si Yahweh.
31 Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga kautusan at tuparin ang mga ito. Ako si Yahweh.
32 Huwag dapat ninyong ilagay sa kahihiyan ang aking banal na pangalan. Dapat akong kilalanin bilang banal ng mga bayan ng Israel. Ako si Yahweh na inaalay ko sa inyong sarili.
33 na siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, upang maging inyong Diyos. Ako si Yahweh.”