21
1 Pagkatapos dumating si David sa Nob upang makita si Ahimelec na pari. Dumating si Ahimelec upang makipagkita kay David na nanginginig at sinabi sa kanyang, “Bakit ka nag-iisa at walang kasama?”
2 Sinabi ni David kay Ahimelec na pari, “Ipinadala ako ng hari para sa misyon at sinabi sa akin, 'Huwag hayaang malaman ninuman ang kahit anong tungkol sa bagay na ipapadala ko sa iyo at kung ano ang iniutos ko sa iyo.' Inutusan ko ang mga binata sa isang tiyak na lugar.
3 Ngayon sa gayon anong mayroon sa iyong kamay? Bigyan mo ako ng limang hati ng tinapay o kahit anong narito.”
4 Sinagot ng pari si David at sinabing, “Walang karaniwang tinapay sa ngayon pero mayroong banal na tinapay—kung iningatan ng mga binata ang kanilang sarili mula sa mga babae.”
5 Sinagot ni David ang pari, “Tiyak na iniwas ang mga babae mula sa amin sa loob ng tatlong araw na ito. Nang lumabas ako, inihandog kay Yahweh ang mga katawan ng mga binata, kahit na karaniwang paglalakbay iyon. Paano pa kaya ngayon maihahandog pa ba ang mga katawan nila kay Yahweh?”
6 Kaya ibinigay ng pari sa kanya ang tinapay na inilaan kay Yahweh. Dahil walang tinapay doon, tanging ang tinapay lang ng presensiya, na inalis mula sa harapan ni Yahweh, upang makapaglagay ng mainit na tinapay kapalit nito kapag inalis na ito.
7 Ngayon naroon ang isa sa mga lingkod ni Saul sa araw na iyon, katanggap-tanggap siya sa harap ni Yahweh. Si Doeg na taga-Edom ang pangalan niya, ang pinuno ng mga pastol ni Saul.
8 Sinabi ni David kay Ahimelec, “Ngayon wala bang alinmang sibat o espada dito? Sapagkat hindi ko dinala ang aking espada ni aking mga sandata dahil mabilisan ang usapin ng hari.”
9 Sinabi ng pari, “Ang espada ni Goliat na Pelistina, na pinatay mo sa lambak ng Ela, ay narito na nakabalot sa isang tela sa likod ng efod. Kung gusto mong kunin iyon, kunin mo, dahil wala ng ibang sandata dito.” Sinabi ni David, “Wala ng ibang espada tulad ng isang iyon; ibigay mo ito sa akin.”
10 Tumayo si David at tumakas ng araw na iyon mula kay Saul at nagpunta kay Aquis na hari ng Gat.
11 Sinabi ng mga lingkod ni Aquis sa kanya, “Hindi ba si David ito, ang hari ng lupain? Hindi ba kumakanta sila sa isa't-isa tungkol sa kanya sa mga sayawan, 'Pinatay ni Saul ang kanyang libo-libo, at pinatay ni David ang kanyang sampung libo?'”
12 Isinapuso ni David ang mga salitang ito at sobrang natakot kay Aquisna hari ng Gat.
13 Binago niya ang kanyang pag-uugali at nagkunwaring baliw sa harap nila; gumawa siya ng mga palatandaan sa mga pintuan ng tarangkahan at hinayaan ang kanyang laway na tumulo sa kanyang balbas.
14 Pagkatapos sinabi ni Aquis sa kanyang mga lingkod, “Tingnan ninyo, makikita ninyong baliw ang lalaki. Bakit ninyo siya dinala sa akin?
15 Kulang na ba ako sa mga taong baliw, kaya dinala ninyo ang taong ito upang umastang kagaya nitong nasa piling ko? Talaga bang papasok ang taong ito sa aking bahay?”